ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batas laban sa terorismo kailangang baguhin - Devanadera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dapat baguhin ng gobyerno ang kontrobersyal na anti-terror law o Human Security Act (HSA), ayon kay acting Justice Secretary Agnes Devanadera nitong Lunes. Iginiit ni Devanadera, vice chairman din ng Anti-Terrorism Council, na kailangang repasuhin ang batas upang matugunan ang ilang kasong inihain sa Korte Suprema na tinutuligsa ang HSA "Prior to the Glorietta incident, nabuo na ‘yong changes, of which 50 percent of the provisions of the law ay nakitaan ng amendments," pahayag niya sa isang press briefing sa Department of Justice. Tinutukoy ni Devanadera ang insidente noong nakaraang Biyernes kung saan sumabog ang isang bahagi ng Glorietta 2 mall sa Makati City na nag-iwan ng 11 kataong patay at 112 sugatan. Ilan sa mga nakikita niyang kailangang amyendahan sa batas ay ang pagpapalawig ng ibig sabihin ng salitang ‘terrorism.’ Ayon kay Devanadera, bagama't maaaring kasuhan ng criminal offense sa ilalim ng Revised Penal Code ang isang suspek, suspendido naman ang implementasyon ng batas isang buwan bago at dalawang buwan matapos ang halalan, batay sa Section 62 ng HSA. Sakaling mapapatunayang terorista nga ang may pakana ng pagpapasabog sa Glorietta, hindi maaaring kasuhan ang suspek o grupong kasangkot sa ilalim ng HSA. Suspendido ang pagpapatupad ng HSA mula pa noong ikatlong linggo ng Setyembre hanggang Disyembre 29 upang bigyang daan ang halalan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 29. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV