ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Driver at pahinante, patay matapos mahulog ang truck sa bangin sa Quezon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang driver at ang kasama nitong pahinante matapos mahulog ang sinasakyang truck sa isang bangin sa Atimonan, Quezon.
Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa Balitanghali nitong Sabado, lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck sa pababang bahagi ng highway.
Sugatan at itinakbo sa ospital ang isa pang pahinante na nadamay sa disgrasya.
Pahirapan naman ang pagkuha ng mga katawan ng biktima.
Nagtagal ng apat na oras ang proseso dahil sa pagkaipit ng mga ito sa bakal at dahil na rin sa masamang panahon.
Sa loob ng isang linggo, anim na ang bilang ng mga nasawi sa disgrasya sa parehong lugar. Hindi naman bababa sa 10 ang sugatan. — Margaret Claire Layug/MDM, GMA News
More Videos
Most Popular