ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 holdaper patay sa engkuwentro kontra pulis sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng estribo gang matapos makaengkwentro ang mga pulis-Quezon City madaling-araw nitong Huwebes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nangholdap umano ng jeep at UV Express sa may Cubao area ang mga suspek.

Nang mapag-alaman ng mga pulis ang panghoholdap, nagkahabulan hanggang sa magkaenngkuwntro sa may Kaunlaran, Quezon City pasado ala-una ng madaling-araw.

Dead on the spot ang dalawang lalaki habang nakatakas ang dalawa nilang kasamahan sakay ng motorsiklo.

Ayon sa mga pulis, tatlong reklamo ang natanggap nila na may dalawang magkaangkas sa motorsiklo sa area ng Cubao.

Isang linggong minamanmanan ng mga pulis ang grupo na nangbibiktima ng mga pasahero ng PUJ at UV Express na bumabyahe mula Sta. Mesa, Manila patungong Antipolo City.

Natiyempuhan ng mga pulis ang mga suspek sa Aurora Boulevard. Nang magkahabulan, una raw na nagpaputok ang mga suspek at gumanti lang ang mga pulis.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga suspek at pinaghahanap pa ang dalawang mga kasamang nakatakas. —LBG, GMA News