ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Patok sa mga turista ang Tunnel of Lights to Nativity sa Candelaria, Quezon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Dinadagsa ng mga turista ng Quezon province ang bagong atraksyon na Tunnel of Lights to Nativity na matatagpuan sa isang restaurant sa Diversion Road sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Ang 50 metrong tunnel ay pinuno ng Christmas light na may iba’t ibang kulay at sa dulo nito ay makikita ang Nativity scene.

Gabi gabi ay napupuno ng tao ang Tunnel of Lights. Dinarayo ito ng mga nagmula pa sa Laguna, Batangas at Bicol.

Walang entrance fee ang tunnel na bukas mula alas sais ng gabi hanggat may taong bumibisita.

Magtatagal raw ito hanggang sa pangalawang linggo ng Enero 2019. — BAP, GMA News