ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 sugatan sa van na tumagilid sa highway sa Calauag, Quezon
By PEEWEE BACUÑO
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Photo courtesy of Gerald Cerilla
Sugatan ang driver at ang dalawang pasahero ng isang van nang sumalpok ito sa isang bahay sa Maharlika Highway, Barangay Viñas, Calauag, Quezon ngayong araw.
Ayon sa Calauag Police, galing Manila at patungo sa Bicol ang van nang mangyari ang aksidente.
Bago sumalpok sa bahay ay nagpagewang-gewang pa ang van at tumagilid. Ayon sa driver, may iniwasan raw siya na kasalubong.
Maswerteng walang nasaktan sa mga tao sa bahay.
Agad naman na dinala sa isang pagamutan sa Calauag ang tatlong sugatan.
Madulas ang highway sa mga oras na ito dahil sa patuloy na pagulan dulot ng Tropical Depression Usman. — BM, GMA News
More Videos
Most Popular