ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
BABALA

Text scam na ginagamit ang pangalan ng Wowowin at GMA Network


Paalala po sa mga Kapuso, mag-ingat po sa mga text scam na ginagamit ang Wowowin at ang GMA Network.

Batay sa impormasyong nakalap ng GMA News, may nagpapadala ng text scam na nagsasabing nanalo ng mahigit P800,00 ang pinadalhang cellphone number sa draw ng Wowowin noong Pebrero 22, 2019.

Para makuha ang premyo, tawagan lang daw ang numerong nagpadala na nagpapakilalang Atty. Felipe L. Gozon.

Paglilinaw po, hindi galing sa Kapuso Network o kay GMA Chairman at CEO Atty. Gozon ang text message na iyan.

Sakaling makatanggap ng mga ganyang mensahe, isumbong po iyan sa DTI hotline na 751-3330.