ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Canadian national nahulihan ng mahigit 600 tableta ng Ephedrine sa NAIA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasabat ng awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mahigit 600 tableta ng Ephedrine mula sa isang Canadian national.

Ayon sa ulat sa GMA News TV "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabi ng retiradong sundalong si Gary Mader na dalawang dekada na niyang ginagamit ang naturang gamot para sa kaniyang allergy sa balat.

Itinuturing ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang Ephedrine bilang isang "dangerous drug" dahil maaari raw itong magamit sa paggawa ng shabu.

Giit ng dayuhan na sampung buwan nang naninirahan sa Pasig, hindi niya alam na ipinagbabawal pala ang pagdadala ng naturang gamot sa bansa dahil nabibili raw ito over-the-counter sa mga botika sa Canada.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Paalala ng mga awtoridad sa mga dayuhan, alaming mabuti kung maaaring dalhin sa Pilipinas ang mga nirereseta sa kanilang gamot sa ibang bansa. —Dona Magsino/ LDF, GMA News