ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Presyo ng pangunahing bilihin hindi tataas - DTI


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa pagtaas ng presyo ng kape at gatas, makaaasa ang publiko na wala nang ibang pagtaas na magaganap sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa pagtatapos ng taong 2007. Ito ang pahayag ni Department of Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya nitong Biyernes matapos tiyakin sa kanya ng mga manufacturer na walang rason upang magtaas sila ng presyo ng kanilang mga produkto. "Para sa mga ibang processed goods walang dahilan para magtaas ng presyo sa ngayon. Binigyan kami ng abiso ng ating manufacturers na mula ngayon hanggang end of the year wala silang gagawing pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin," sinabi Maglaya sa panayam ng dzRH radio. Mula P0.25 hanggang P0.50 ang itinaas ng presyo ng kape samantalang nagkaroon ng 25 porsyentong pagtaas sa presyo ng gatas, ayon kay Maglaya. Idinagdag ni Maglaya na ipinaalam sa ahensya ng mga gumagawa ng kape at gatas ang pagbabago ng kanilang presyo noon pang Nobyembre 5. Subalit matapos nito, wala silang inaasahang pagtataas ng presyo sa iba pang bilihin hanggang Disyembre 31. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV