ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Noynoy nalungkot sa pagpapalaya sa pumatay kay Ninoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinasaringan ni Sen. Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Huwebes si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagbibigay ng kapatawaran sa isa sa mga sangkot sa pagpatay sa kanyang amang si Benigno “Ninoy" Aquino Jr noong 1983. Pinalaya si Master Sgt. Pablo Martinez mula sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City dahil narating na nito ang edad na 70. Ang sinumang sinentensyahan na tumuntong sa edad na 70 ay maaaring gawaran ng presidential pardon. “I am not against the granting of pardon to persons who deserve it. However, people who have refused to accept their guilt and have shown no contrition for the crime they committed do not deserve pardon," paliwanag ni Noynoy. Sinabi rin ng baguhang senador na hindi magandang paraan ng paggalang sa kaarawan ng kanyang yumaong ama ang pagpapalaya kay Martinez. “On November 27, we will be commemorating the birth anniversary of my father. This decision by the government is not the way to honor and pay tribute to the sacrifices of a hero who gave his life for his country and fought for the freedoms that we now enjoy," pahayag niya. “I sincerely hope that the pardon that was granted to one of my father’s assassins is not a vengeful act against our family as we continue to stand firmly in holding this government accountable for its actions," idinagdag nito. Bagama't iginigiit ni Martinez na si Rolando Glaman ang bumaril kay dating Sen. Ninoy Aquino, may 24 na taon na ang nakalilipas, humihingi pa rin ito ng kapatawaran sa biyuda nitong si dating Pangulong Corazon Aquino. "Kung nakikinig man kayo Madam Cory Aquino, patawarin ninyo ako sa nagawa kong pagkakasala noon," panawagan ni Martinez sa dzMM radio. Nitong Agosto, hiniling ng 14 na nakapiit sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Aquino, kabilang na si Martinez, na gawaran sila ng executive clemency ng Pangulo. Nahaharap sila sa double life sentence. Ayon sa abogado ng grupo na si Persida Rueda-Acosta ng Public Attorneys Office, maaari nang bigyan ng kapatawaran ang kanyang mga kliyente mula pa noong Agosto 21 sapagkat may 24 na taon na silang nakakulong. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV