ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PANOORIN

Hello Kitty-themed na gas station sa South Cotabato, kinagigiliwan


Kinagigiliwan umano ng mga motorista ang isang gasolinahan sa Surallah, South Cotabato dahil sa pagiging Hello Kitty-themed  nito.

Agaw-pansin ang gaoslinahan na kulay pink at puno ng desenyong Hello Kitty.

Lahat ng mga bagay sa gasolinahan ay kulay pink at may design na Hello Kitty, pati na ang pader nito.

Nais lamang umano ng may-ari na magbigay ng good vibes sa mga motorista kahit na sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng gasolina. —LBG, GMA News