ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Gang war sa Caloocan jail, 18 bilanggo sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Labingwalong nakapiit sa Caloocan City jail ang nasugatan nang magsalpukan ang magkalabang grupo ng Sputnik at Commando gang sa pagpasok ng 2008. Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinasabing gumamit ng mga improvised bladed weapons ang mga nakakulong tulad ng screw driver, kutsara at tinidor, at mga piraso ng kahoy sa nangyaring riot. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang ugat ng kaguluhan ngunit sa paunang imbestigasyon ay lumilitaw na isang “masamang biro" ang pinagmulan ng gulo. Ang mga sugatan ay ginamot sa klinika ng bilangguan habang ang iba naman ay isinugod sa Tondo General Hospital. Sinasabing nangyari ang riot dakong 1 am ng Martes na tumagal ng ilang minuto. - GMANews.TV