Kadobol ng Itim na Nazareno
Tulad ng ibang artista na gumagawa ng pelikula, alam nyo ba na ginagamitan ng âkadobol" ang sinasabing milagrosong imahe ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa tuwing ito ay ipinaparada? Halos 200 taon na ang nakararaan nang maging tradisyon ng Saint John the Baptist church na tahanan ng Black Nazarene sa Quiapo na iprosisyon ito tuwing ika-8 at 9 ng Enero bilang pasasalamat at selebrasyon ng kapistahan Ngunit dahil nagtatamo ang pinsala ang orihinal na imahe ng itim na Nazareno tuwing ipinaparada, naisipan ng mga organizer ng prosisyon na mula noong 1998 ay âreplica" o kamukhang imahe ng itim na Nazareno na lamang ang gamitin sa unang araw prosisyon. Ngunit sakabila ng panganib na maipit sa mga nagsisiksikang deboto na nagnanais na makalapit sa poon, tinatayang aabot sa kalahating milyon Filipino ang nakikibahagi sa makasaysayang prosisyon. Bilang patunay ng panganib, isa ang namatay at hindi bababa sa anim ang nasaktan noong Enero 2006 nang madaganan sila ng mga kapwa deboto matapos bumigay ang isang takip ng imburnal na gawa sa kahoy na kanilang nadaanan sa Maynila. Ngayong 2008 ay ipagdiriwang ang ika-401 anibersaryo ng itim na Nazareno. Noong Enero 2007, nagkaroon ng ibang ruta ang prosisyon ng Nazareno nang dalhin ito sa Luneta Grandstand sa halip na ibalik kaagad sa simbahan ng Quiapo matapos ang prosisyon. - GMANews.TV