Epekto ng pagbabawas sa taripa ng angkat na langis hindi pa tiyak
Malugod na tinanggap ng malalaking kumpanya ng langis sa bansa nitong Miyerkules ang balak ng gobyerno na ibaba sa dalawang porsyento mula tatlong porsiyento ang taripa sa inaangkat na langis. Subalit sinabi nilang hindi pa matitiyak kung ano ang magiging epekto ng hakbang ng Malacañang hanggaât hindi pa inilalabas ng gobyerno ang panuntunan sa pagpapatupad nito. "Itâs okay with us because cutting the oil tariff will be (revenue) neutral to us. But we canât say yet by how much our pump prices will go down until we see the orderâs implementing rules," pahayag ni Mark Quebral, tagapagsalita ng Chevron (Caltex) Philippines sa panayam ng GMANews.TV. Samantala, inihayag ng tagapagsalita ng Pilipinas Shell na si Roberto S. Kanapi na susunod ang kanilang kumpanya sa anumang kautusan, subalit nanindigang mababawasan lamang ang presyo ng mga inaangkat na langis kung kasado na ang pagbabawas sa taripa. "We will comply because that is a government order, but we can't comment because the Department of Energy hasn't released the implementing rules yet. And only once the order is in effect will the prices change, and only of those from oil imports covered by the cut," ayon kay Kanapi. Subalit para sa Petron Corp. maaaring pansamantala lamang ang magiging epekto ng hakbang lalo paât patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. "Okay lang na may measure na ganyan pero baka 'di 'yan sapat para matakpan ang susunod na increase. Ang world market malabong bababa ang presyo. Ang demand continues to go up, supply is limited. Kahit anong gagawin natin palagay ko tataas ang presyo ng crude," pahayag ng tagapagsalita ng Petron Corp. na si Virginia Ruivivar sa panayam ng dwIZ radio. Ayon kay Ruivivar, ang average price ng Dubai crude ay $91 bawat bariles, mas mataas ng $4 bawat bariles sa Disyembre. Kung patuloy pagtaas ng halaga ng langis, wala umano silang magagawa kundi magtaas din ng presyo. "Di masyadong malaki ang impact lalo na kung itataas ang crude oil by several dollars," sinabi niya. Samantala, ang maliliit na kumpanya katulad ng Seaoil Philippines at Flying V ay nauna nang nagpahayag ng parehong sentimyento kay Ruivivar. âThe estimated P3 to P4 per liter increase in fuel prices will only be mitigated," ayon kay Glenn Yu, pangulo ng Seaoil Philippines Inc. âAfter January 15, we have to increase. If MOPS average $118/bbl, right now its 116/bbl, and at the beginning of the year it was $106/bbl, that will be equivalent to about P4 per liter," sinabi naman ni Flying V chairman Ramon Villavicencio. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV