ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Balyenang may mga plastic bag sa lalamunan, patay ilang oras matapos mapadpad sa dalampasigan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi kalaunan ang isang balyenang natagpuang may mga plastic bag sa lalamunan matapos itong mapadpad sa dalampasigan sa Mati, Davao Oriental.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing buhay pa ang balyena noong una itong makita ng mga residente roon.
Iniulat nila ang kanilang nakita sa mga awtoridad pero matapos lamang ang ilang oras, nasawi rin ang balyena.
Ayon sa isang marine biologist, may mga nakuhang plastic bag sa lalamunan ng balyena. Hindi umano nakahadlang sa paghinga nito ang mga plastic bag pero nakahadlang naman sa kaniyang paglunok.
Posible ring nabilad sa araw ang balyena dahil sa low tide.—Jamil Santos/AOL, GMA News
Tags: Mati Davao Oriental, whale
More Videos
Most Popular