ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magkasintahang LGBT, kinasal sa Calamba, Laguna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang miyembro ng LGBT community ang nagpatunay na pagmamahal ang panalo nang kinasal sila sa Laguna ngayong Pride month.

Si Tiffany Futari at Letli Evangelista ay kinasal noong June 24. Ayon sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Linggo, pinangunahan ni Calamba Mayor Justin Chipeco ang seremonya.

Sa mga litrato na ibinahagi ni Tiffany sa Facebook, makikitang siya ay nakasuot ng puting bestidang pang-kasal habang si Letli ay naka-porma ng terno.

Si Tiffany at Letli ay naninirahan na sa isang bubong nang dalawang taon at ang kanilang pamilya ay todo suporta sa kanilang pagmamahalan.

Maligayang bati sa bagong kasal! — Franchesca Viernes/BM, GMA News