ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Patakaran ng DepEd sa graduation rites binatikos
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Labag sa Saligang Batas at pagsikil sa malayang pamamahayag ang direktiba ng Department of Education na ipagbawal ang usaping pulitikal sa graduation ceremonies, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) nitong Huwebes. Sa pahayag, hinikayat ng grupo ang mga mag-aaral, guro at principal na igiit ang kanilang karapatan na magpahayag ng kanilang saloobin. Idinagdag ng ACT na ang dapat na tema ng mga magtatapos na mag-aaral ngayong taon ay âsearch for truth and fight for justice." Ayon sa ACT, ang memorandum na ipinalabas ng DepEd nitong Pebrero 20 na nagbabawal na pag-usapan ang pulitika sa graduation ceremonies ay indikasyon na bawal imbitahan na magsalita sa okasyon si Senate witness Rodolfo Noel Lozada Jr. âEducation Secretary Jesli Lapus should respect academic freedom and freedom of expression in schools," paggiit ni ACT chairman Antonio Tinio. Inakusahan niya si Lapus na namumulitika rin at nais lamang paboran si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo Arroyo. âWhat if the school valedictorian wants her speech to be about the campaign for truth and accountability in government? Will this be disallowed by Lapus?" tanong ni Tinio. Nitong Miyerkules, ipinagbawal ni Lapus na magsagawa pa ng âcampus tours" sa mga pampublikong paaralan ang mga personalidad na sangkot sa katiwalian sa kinanselang kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Corp. ng China para sa national broadband network project ng gobyerno. Ipinaliwanag ni Lapus na hindi si Lozada ang pakay ng kanyang kautusan kundi nais lamang niyang protektahan ang mga mag-aaral na masangkot sa partisan politics. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular