ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
JDV kuntento na sa pagiging ordinaryong miyembro ng Lakas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Tinanggihan ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr nitong Lunes ang pwesto bilang president emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos siyang magbitiw bilang pangulo ng pinakamalaking partidong pulitikal sa bansa. Ayon sa ulat ng GMA News Flash Report, sinabi ni Raul Lambino, abogado ni De Venecia, na nakatanggap siya ng tawag nitong Lunes ng umaga mula sa dating Speaker ng House of Representatives at ipinaalam ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa pamunuan ng Lakas. Noong Pebreo 4 ay pinatalsik si De Venecia ng mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang House speaker at noon pa man ay may plano nang palitan siya bilang pangulo ng partidong Lakas. Sinabi ni Lambino na hindi na gumawa ng resignation letter si De Venecia sapagkat hindi nito nakikita ang kahalagahan ang pagpapaalam tungkol sa kanyang desisyon. Hiniling din ni De Venecia ang pagsuporta kay House Speaker Prospero Nograles na siyang hinirang na kapalit niya sa pwesto. Batay sa ulat, tinanggihan ni De Venecia ang iniaalok na emeritus position dahil kuntento naman siyang maging ordinaryong miyembro na lamang ng partido. Ipinaalam ni De Venecia noong nakaraang linggo na bababa lamang siya sa pwesto kung ito ang nais ng mas nakararaming miyembro. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV
More Videos
Most Popular