Filtered By: Topstories
News

Kilalang motorcycle rider na si Jireh Edrote, patay sa aksidente sa Misamis Oriental


Kilalang motorcycle rider na si Jireh Edrote, patay sa aksidente

ILIGAN CITY - Patay ang isang kilalang motorcycle rider mula Cagayan de Oro City matapos maaksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo nitong Sabado ng madaling araw sa Misamis Oriental.

Nakilala ang biktima na si Jireh Edrote y Morales, 29-anyos.

Nangyari ang aksidente dakong alas dos ng umaga. 

Ayon sa ulat mula sa Lugait Police Station, nagmula sa Iligan City ang biktima kung saan ito sumali sa isang endurance challenge contest papuntang Davao City.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nadulas ang gulong ng kanyang motorsiklo at bumangga sa pader ng kanal sa may Purok Rizal, Barangay Poblacion, Lugait, Misamis Oriental.

Dinala ang biktima sa Misamis Oriental Provincial Hospital-Manticao ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa mga sugat na natamo nito. —KG, GMA News