ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Paggamit ng pondo ng PCSO balak busisiin ni Lacson
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Nais paimbestigahan ni Senador Panfilo Lacson ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos siyang batikusin sa isang programa sa telebisyon na kontrolado ng pamahalaan. Nitong Lunes, inireklamo ni Lacson ang ginawang pagbatikos sa kanya nina Mary "Rosebud" Ong at dating jueteng witness Abelardo Riva bago isagawa ang lotto draw sa sequestered television station na NBN-4. "What I want to look into is the funding of the PCSO. Why are PCSO funds used for smear drives against the opposition, particularly me? We have to look into the financial transactions of the PCSO to see how it can fund a smear drive against us. After all, the budget of PCSO comes not from the administration, but from the taxpayers," paliwanag ni Lacson. Sinabi ni Lacson na hindi siya nagtataka sa pagsasama ng dalawa na tinawag niyang bayarang testigo. Inakusahan pa ng senador na ipinagpalit siya ni Riva sa halagang P50,000. Naniniwala si Lacson na ang âspin masters" ng Malacanang ang nasa likod ng kampanya upang siya ay siraan. âMalacañang's spin masters always come out with these smear drives when I come out strongly against acts of corruption. Itâs sickening," ayon sa senador na nagpahayag na hindi siya apektado ng mga ginawang paninira sa kanya. Sinabi ni Lacson na masyadong mahaba ang listahan ng katiwalian ng pamahalaan simula pa lang sa pag-upo ni Pangulong Gloria Arroyo noong 2001. Kabilang sa mga anomalya umano ng gobyerno na tinukoy ng senador ay ang $14-milyong komisyon sa pagsasara ng kontrata ng Argentinian power firm na IMPSA. Idinagdag niya ang paghingi umano ni Gng Arroyo kay telecommunication expert Pacifico Marcelo ng 55 percent share sa telecom operation noong 2001. Ang iba pang maanomalyang proyekto, ayon kay Lacson, ay ang P1.1-bilyong Diosdado Macapagal Boulevard, Jose Pidal bank accounts, pagpondo umano ng jueteng money kay Gng Arroyo noong 2004 presidential elections, ang P728-milyong fertilizer scam, ang "Hello Garci" scandal, at $329.48-milyong national broadband network project. Ang pagbubunyag umano ni Lacson sa mga katiwaliang ito ang dahilan kaya matindi ang galit sa kanya ng pamahalaan. "I am not at all surprised with Malacañang's continued attempts to discredit me, especially on the eve of the resumption of Senate hearings on the $329.48-million ZTE broadband deal mess. But I will say this: Malacañang certainly outdid itself this time in terms of low blows," pahayag ni Lacson. Pinuna ng senador ang pagpapalabas ng pagbatikos sa kanya nina Ong at Riva na itinaon sa oras na naghihintay ang mga tao sa pagbola ng resulta ng lotto na ginagawa gabi-gabi. Inaasahan na sa Martes ay maglalabas ng bagong testigo si Lacson kaugnay sa ginagawang imbestigasyon ng Senado tungkol sa alegasyon ng katiwalian sa kinanselang kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp para sa national broadband project ng gobyerno. Si Lacson ang unang kinausap ni Senate witness Rodolfo Noel Lozada noong Disyembre bago ito pumunta sa Hong Kong upang makaiwas sa pagdalo sa pagdinig ng Senado sa ZTE-NBN deal. "All these are part of yet another attempt to disrupt the investigation into the broadband deal mess, especially now that the mess is heading right for Malacañang's doorstep. I will not be surprised if Mrs. Arroyo and her spin masters will continue to try to discredit me. The question is, how much lower will they go?" ayon sa senador. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular