ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Brion hinirang sa Korte Suprema; Roque sa DoLE
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hinirang nitong Lunes bilang bagong associate justice ng Korte Suprema si Labor Secretary Arturo Brion, at ipinalit naman sa kanyang pwesto si Administrator Marianito Roque ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Si Brion ang hinirang na kapalit ni Associate Justice Angelina Sandoval Gutierrez na nagretiro noong Pebrero 27. Si Brion ang ika-15 miyembro ng SC at ika-12 mahistrado na hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pinakamataas na hukuman sa bansa. "Supreme Court Justice Brion brings with him a wealth of experience as a public servant and legal luminary. He is a man of proven integrity and independence," ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye said. Sinabi ni Bunye na maganda ang naging pamamalakad ni Brion sa DoLE sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Filipino sa loob at labas ng bansa. "He is a welcome addition to the highest tribunal of the land," ayon sa tagapagsalita. Kasabay nito, sinabi ni Bunye na ihahain ng Malacanang sa Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Roque na itinalagang acting secretary ng DoLE. Wala pang pahayag ang Malacanang kung sino ang hahalili kay Roque bilang pinuno ng OWWA na nangangasiwa sa may P10 bilyong kontribusyon ng mga miyembrong OFW. Kasabay nito, pinabulaanan ni Bunye ang hinala na ang pagtatalaga kay Brion ay may kinalaman sa ilalabas na desisyon ng SC tungkol sa petisyon ni dating National Economic Development Authority director general Romulo Neri sa usapin ng pagdalo sa imbestigasyon ng Senado sa mga katiwalian sa kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Equipment Corp ng China para sa national broadband network ng pamahalaan. Magbibigay ang SC ng opinyon tungkol sa legalidad ng paggamit ni Neri ng executive privilege upang makaiwas sa pagsagot sa mga tanong ng mga senador na sangkot si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kinanselang kontrata ng ZTE. Sinabi ni Bunye na ilang ulit nang napatunayan na ang mga itinalaga ni Arroyo sa SC ay naging patas at nagbibigay ng kanilang opinyon batay sa kung ano ang nakasaad sa batas. âI believe this will be followed by Secretary Brion and all other subsequent appointees of the President," ayon sa tagapagsalita ng Pangulo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular