Filtered By: Topstories
News

Binata, dinala si crush sa palarong 'Bring Me' sa intrams ng paaralan


Kinilig ang netizens sa buong tapang na pag-amin ng isang lalaki sa kaniyang crush nang dalhin niya ito sa palarong "Bring Me" ng intramurals ng kanilang paaralan sa Davao City.

Sa ulat ni Bernadette Reyes sa Unang Balita nitong Martes, mapapanood sa video ang isang lalaki at babae sa gitna ng gym, habang nagtitilian ang mga kapwa nila mag-aaral.

Kasi naman ang emcee nagpalaro ng "Bring Me," pero ang dadalhin ay ang kanilang crush.

Ayon sa lalaki, isang buwan na niyang crush ang babae.

Dahil dito, nagwala, naglupasay sa sahig, at napatalon pa sa kilig ang mga nanonood sa gym.

Umabot hanggang online ang kilig sa school at pinusuan ng netizens.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News