ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bilang ng dayuhang turista sa Pinas tumaas ng 11% - DOT
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Umangat ng 11.7 porsyento o 276, 809 ang dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas nitong Pebrero 2008, ayon sa ulat ng Department of Tourism. âThe Korean market still contributed the biggest arrivals in February 2008 by supplying 56,832 visitors with a share of 20.5 to total visitor traffic and registering a growth of 14.6 percent," pahayag ng DOT. Sumunod sa Koreans ang mga Amerikano at Hapon sa mga dayuhang turista na pinakamaraming nagtungo sa bansa sa unang dalawang buwan ng taon. Ang iba pang dayuhan na bumisita sa bansa ay mula sa China, Hong Kong, Australia, Singapore, Canada at Great Britain. âOn the other hand, countries from Scandinavia reflected double-digit growth rates namely: Finland with 47.4-percent growth (339 arrivals), Sweden with 37.7-percent growth (1,805 arrivals) and Norway with 36.5-percent growth (1,426 arrivals). Denmark with 1,478 arrivals recorded a growth of 1.4 percent," ayon sa DOT. Dalawang cruise ships ang dumating sa bansa nitong Pebrero kung saan ang isan ay dumaong sa Manila South Harbor na may sakay na 1,628 bisita habang 302 naman ang sakay ng isa pang barko na dumaong sa Cebu. Noong nakaraang taon, nakaakit ang turismo ng 1.3 milyong dayuhang bisita. Ngayong 2008, inaasahan ng DOT na tataas ng walo hanggang 10 porsyento ang bilang ng mga turista sa bansa at tinatayang madagdagan ang kita na maaaring umabot sa $5.8 milyon, kumpara sa $4.8 noong 2007. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular