Dalawang mananaya ang naghati sa mahigit P33 milyong jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw noong Martes, March 21, 2023.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na nabili ng isang tumamang mananaya ang tiket sa Pasay City, habang taga-San Mateo, Rizal naman ang isa pang tumama.

Ang lumabas na mga numero ay 12-29-35-34-13-08, ay may kabuuang premyo na P33,643,692.60.

Samantala, wala namang tumama sa ginawang grand draw nitong Miyerkules, March 22, 2023.

Sa Grand Lotto 6/55, ang lumabas na mga numero ay 25-50-49-38-21-19, at may premyong P29,700,000.00.

Bigo rin na tamaan ang Megalotto 6/45, na ang winning combination ay 08-02-41-03-23-01, at P31,345,719.80 ang premyo.--FRJ, GMA Integrated News.