Mga Presidente sa Top 10 ng Bar exam
Alam ba ninyo na pitong Presidente ng Pilipinas ang napasama sa Top 10 sa mga Bar examination at tatlo sa kanila ang naging number 1? Sinasabing 13 lamang ang kumuha sa kauna-unahang Bar examination na ginawa noong 1901. Ang Bar ay ang pagsusulit para sa mga nais maging abogado ng bansa. Kabilang sa mga dating Pangulo na naging number 1 sa Bar exam ay sina Manuel Roxas (1913); Diosdado Macapagal (1936) at Ferdinand Marcos (1939). Pumangalawa naman sina dating Pangulong Jose P. Laurel ((1915) at Sergio Osmeña (1903). Samantala, sina dating Pangulong Manuel L. Quezon ay naging pang-apat (1903) at pang-pito si Carlos P. Garcia ((1923). Ang pinakamataas na grado na nakuha ng isang kumuha ng Bar ay umabot sa 96.7 percent na nagawa ni dating SC justice Florenz Regalado noong 1954. Naitala naman noong 2001 Bar examination ang may pinakamaraming pumasa - 1,266 sa 3,849 examinees o 32.89 percent. Pinakamaraming kumuha sa Bar exam noong 2006 na umabot sa 6,187 law graduates, kung saan 30.60 percent o 1,893 ang nakapasa. - GMANews.TV