ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sunog sa Candelaria, Quezon kinamatay ng 6 na magkakaanak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang anim na magkakaanak matapos sumiklab ang isang sunog sa isang bahay sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon madaling araw kanina.

Patay ang anim na magkakaanak matapos sumiklab ang isang sunog sa isang bahay sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon madaling araw kanina.

Ayon sa report ng BFP Candelaria, kabilang sa mga nasawi ay ang senior citizen na si Delia Cruzat at ang kanyang 5 apo na edad 21, 18, 16, 10 at 9. 

Sugatan naman ang Nanay ng mga bata na kinilalang si Vangie. 

Saad ng BFP, suffocation ang maaaring dahilan sa pagkamatay ng mga biktima sapagkat hindi naman nasunog ang kanilang mga katawan.

Tinatayang 1 milyong piso ang halaga ng natupok. Problema sa kuryente ang nakikitang pinagmulan ng sunog. —Peewee Bacuño/VAL, GMA Integrated News