ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bahay ni Tito Sotto pinasok ng magnanakaw
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Tinatayang P55,000 pera at gamit ni dating Senator Vicente âTito" Sotto III ang natangay ng mga hindi kilalang magnanakaw na pumasok sa kanyang bahay sa Quezon City. Sa ulat ng dzBB radio nitong Miyerkules, isinumbong ni Sotto sa Police District Station 8 ng Quezon City ang nangyaring pagnanakaw sa kanyang bahay sa Bgy. White Plains, Katipunan avenue. Hinihinala na nakapasok sa bahay ni Sotto ang magnanakaw sa isang bintana malapit sa hagdan na patungo sa kanyang silid tulugan. Sinabi ni Sotto, host ng programang Eat Bulaga sa GMA 7, na nawala ang kanyang pitaka na may lamang P5,000, limang credit cards, dalawang membership cards, at isang Apple iPhone na nagkakahalaga ng P30,000, at isang gintong singsing. Si Sotto ay tumakbong senador noong 2007 elections ngunit natalo sa ilalim ng partidong TEAM Unity ng administrasyon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular