Natagpuan na magkayakap ang mga labi ng dalawang batang magkapatid sa loob ng nasunog nilang bahay sa Silang, Cavite nitong Huwebes.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ng mga awtoridad na edad tatlo at apat ang magkapatid na biktima na residente ng Barangay Biluso.

Pagbalik niya, nasusunog na ang kanilang bahay at nakulong sa loob ang kaniyang mga anak.

Isang bahay pa ang nadamay sa sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.—FRJ, GMA Integrated News