ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Boksingero ipinangalan sa mall
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Itinayo ito noong 1976 at itinuturing pinakaunang multi-level commercial shopping mall sa Pilipinas. Alam nyo ba kung anong mall ito sa Quezon City na ipinangalan sa isang sikat na boksingero sa mundo? âAli Mall" ang pangalan ng apat na palapag na establisamyento na makikita sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City. Ang pangalan ng mall ay handog sa pagkapanalo ng dating world heavyweight champion na si Ali sa kanyang laban na ginawa sa Pilipinas noong 1975. Tinalo ni Ali sa puntos sa tinaguriang âThrilla in Manila" si Joe Frazier para sa 14-round title fight noong 1975. Ginawa ang laban sa Araneta Coliseum na katabi ngayon ng Ali Mall. Ang âThrilla in Manila" ay isa sa hindi makalilimutang sagupaan sa mundo ng boksing. - GMANews.TV
Tags: alimall, pinoytrivia
More Videos
Most Popular