ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mas maraming lalaking OFWs kaysa babae - NSO
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng National Statistics Office (NSO) nitong Biyernes na mahigit kalahati sa 1.75 milyong overseas Filipino workers na lumabas ng bansa noong April hanggang September 2007 ay mga lalaki. Gayunman, ang bilang ng mga babaeng OFWs ay higit umanong mga bata kaysa mga lalaki, ayon sa datos ng NSO na pinamumunuan ni administrator Carmelita Ericta. Sa ulat ng NSO, ang bilang ng mga OFWs na nangibang bansa noong 2007 ay mas mataas ng 15 porsyento kumpara sa 1.52 milyon na OFWs na nangibang bansa noong 2006 sa parehong panahon. Sa 2007 report, 50.9 porsyento ay lalaki at 49.1 porsyento naman ang babae. Kabaligtaran ito sa datos ng NSO noong 2006 kung saan lumabas na 50.4 porsyento ng mga OFWs ay babae at 49.6 porsyento naman ang lalaki. Lumitaw din sa 2007 OFW survey na 55.2 porsyento ng mga migranteng manggagawa ay wala pang 35 anyos, at malaking bahagi nito ay nasa edad na 25 hanggang 29. âFemale OFWs were generally younger compared to male. The total number of female OFWs, 28.8 percent belonged to age group 25 to 29 years. And 23 percent were in age group 30-34 years," ayon sa ulat ng NSO. Ang mga lalaking OFWs ay na nasa edad 25 hanggang 29 ay tinatayang 20.3 porsyento. Samantala, 92.4 porsyento ng 1.75 milyong OFWs ay âlegal workers" o mga migrante na may kaukulang kontrata upang magtrabaho sa labas ng bansa. Ang bilang ng mga âlegal" OFWs ay tumaas ng 16.6 porsyento kumpara noong 2006. Isa sa bawat tatlong OFWs o 35 porsyento ay mga laborers at unskilled workers, kasama na ang mga domestic helpers, cleaners at manufacturing laborers. Nanatili ang Saudi Arabia sa lugar na pangunahing puntahan ng mga OFWs na kumakatawan sa 19.8 porsyento ng labor deployment. Kasama sa top destination list ang United Arab Emirates (12.1%); Europe (9.2 %); North at South America (9.3 %); Hong Kong (6.7%); Singapore (6.0); Japan (5.6 %); at Taiwan (5.5 %). Kalahati rin ng kabuuang bilang ng mga OFWs noong 2007 ay nagmula sa Calabarzon area (Cavite, Laguna, Batangas, Quezon) na umaabot sa 17.7 porsyento; National Capitol Region (16.0 %) at Central Luzon (14.3%).- Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular