Diesel, inaasahang umabot pa ng P170 kada litro, gasolina sa P120 kada litro sa susunod na linggo
Inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan sa susunod na linggo.
Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw (Marso 30 hanggang Abril 2), sinabi ng isang oil industry source na maaaring tumaas ng P17 hanggang P19 kada litro ang presyo ng retail diesel.
Maaaring itulak ng mga pagtatayang ito ang mga presyo ng regular na diesel sa hanggang P165 at ng premium diesel na lagpas sa P170 kada litro.
Sa kabilang banda, inaasahang tataas ang presyo ng gasolina ng P3 hanggang P5 kada litro, na posibleng magdala sa presyo ng super premium, premium, at regular na klase nito sa humigit-kumulang P120, P117, at P110 kada litro, batay sa pagkakasunod.
“Diesel supply continues to tighten as demand remains high, pushing the prices of middle distillates much higher relative to gasoline,” anang industry source.
“Renewed fears of prolonged supply disruptions have pushed prices to all-time highs. Any serious talks with Iran could de-escalate the tensions and bring some relief to prices. However, until the Strait of Hormuz is reopened, supply will remain tight and prices supported,” sabi pa ng source.
Batay sa monitoring ng Department of Energy, ipinatupad ng fuel retailers ang pagbabago sa mga presyo mula Marso 31 hanggang Abril 6:
- Diesel - P14 kada litro
- Gasoline - P2.90 kada litro
- Kerosene - P2.50 kada litro