ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mao Aplasca, tinanggal na sa serbisyo —Ombudsman Remulla


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mao Aplasca, tinanggal na sa serbisyo —Ombudsman Remulla

Tinanggal na sa serbisyo si Mao Aplasca, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado.

"Noong Monday napirmahan ko na 'yung dismissal ni Mao Aplasca from the service… Acting Sergeant at Arms ng Senate at Sergeant at Arms ng Commission on Appointments, dinismiss na namin from the service,” sabi ni Remulla sa isang panayam sa radyo.

“Ilalabas namin ang desisyon para makita ng tao dahil mahirap na magpaliwanag, basta ipu-publish namin,” dagdag niya.

Hiningian na ng GMA News Online si Aplasca para sa kaniyang komento, ngunit wala pa siyang tugon hanggang sa oras ng pagkalathala.

Maaalalang nagpaputok si Aplasca ng ilang warning shot sa mga bintana ng Senado noong Mayo 13, na nagdulot ng takot sa mga nasa loob pa rin ng Senado noong mga oras na iyon.

Kasunod nito, isinailalim ng Ombudsman si Aplasca sa preventive suspension ng anim na buwan nang walang bayad dahil sa pagpapaputok ng kaniyang baril. —VAL, GMA News