ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mataas na tuition sagabal sa pangarap na makatapos ng kolehiyo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Pinapangambahan na maraming estudyante sa kolehiyo ang titigil sa pag-aaral ngayong taon dahil sa mataas na singil sa tuition, ayon sa isang grupo ng mga kabataan. Sa pahayag ng Kabataang Pinoy nitong Sabado, sinabi ng grupo na ang mataas na gastusin sa pag-aaral ang dahilan kaya maraming mag-aaral sa pribadong eskuwelahan ang lumipat sa mga public schools o kaya naman ay tuluyan ng huminto sa pag-aaral. Batay sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) noong 1980 lumitaw na 10 porsyento lamang ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang nasa mga state universities. Ngunit pagsapit ng 1994, tumaas ang bilang sa 21 porsyento at ngayon ay tinatayang nasa 40 porsyento na. “But many of these transferees will find themselves dropping out of college. The problem is, there are no more rooms in state schools either," ayon kay Dion Carlo Carrafon, presidente ng Kabataang Pinoy. “State universities and colleges are confronted by similar problems. Poor education spending and annual budget cutbacks force state schools to impose enrollment quotas and increase fees, forcing many state scholars to leave," idinagdag niya. Dahil sa paglobo ng mga lumilipat sa mga state universities, lalong nagiging mahirap para sa mga kabataan na makatungtong sa kolehiyo at makatapos ng kurso. “While it is true that state universities and colleges offer tuition lower than private schools, tuition rate and miscellaneous fees in state schools and universities have seen the biggest increases in recent years, thus making it also inaccessible to ordinary students," paliwanag niya. Noong nakaraang taon, nagtaas ang University of the Philippines (UP) ng singil sa matrikula ng 300 porsyento o mula sa P300 ay ginawang P1,000 per unit. Samantala, ang Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa Maynila ay nagpatupad umano ng 600 porsyento ng tuition hike na nagresulta umano sa pag-alis ng may 50 porsyento ng mga estudyante noong 2007. Maging ang Philippine Normal University (PNU) ay nagtaas umano ng tuition ng 400 porsyento noong 2003; Habang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na may pinakamataas na populasyon ng mga estudyante ay planong magtaas ng tuition ng 525 porsyento noong 2007 ngunit hindi natuloy dahil sa protesta ng mga mag-aaral. - GMANews.TV