ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaking umawat sa away, patay sa saksak; 2 brgy. tanod, sugatan din


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa ang nasawi at dalawa ang sugatan sa nangyaring gulo sa Oton, Iloilo. Ang tatlo, umawat lang sa kaguluhan na sangkot ang pamangkin ng nasawing biktima.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, ikinuwento ng kaanak na umiinom sa isang tindahan ang 40-anyos na biktima kasama ang ilan pa nilang kamag-anak.

Pero tiningnan umano ng masama ng suspek ang pamangkin ng nasawing biktima at doon na nagsimula ang sagutan hanggang sa umabot sa kaguluhan.

Umawat ang biktima pero siya ang nasaksak, pati na ang dalawang barangay tanod na namagitan din sa gulo.

Ayon sa barangay official, may alitan ang pamangkin ng nasawing biktima at ang pamangkin ng suspek.

Nadakip kinalaunan ang suspek pero tumangging magbigay ng pahayag. – FRJ, GMA News

Tags: crime