Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide
April 19 2026
Buhay na buhay ang suporta ng fans para sa pinakabagong horror offering ng GMA Pictures na Huwag Kang Titingin, na kasalukuyan nang nagpapataas ng balahibo sa mahigit 140 sinehan nationwide.
Kaliwa’t kanan ang idinadaos na block screenings ng iba’t ibang fan base ng cast at love pairings bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pelikulang kasalukuyan nang ipinapalabas sa mga sinehan.
Mula sa GMA Pictures at Mentorque Productions, hatid ng pelikula ang isang nakakikilabot na karanasan na may temang Filipino folklore at clout chasing.
Tampok dito ang ilan sa mga paboritong young stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Anthony Constantino, kasama ang special participation ni Shuvee Etrata.
Huwag palampasin ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide!
Tingnan ang ilan sa mga idinaos na block screenings ng fans ng cast ng Huwag Kang Titingin sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus