WATCH: Klea Pineda, ano ang mga nabago sa buhay matapos manalo sa 'StarStruck?'
June 30 2017
Sa kaniyang panayam sa Sikat sa Barangay, nagkuwento si Klea kay Mama Belle na ngayon ay isa na siyang public figure.
Aniya, “After StarStruck madaming changes siyempre Mama Belle. Madaming changes po sabihin na lang natin na kapag sa mall, dati hindi naman ako kilala ganiyan.”
“Pero ngayon kahit papaano na may mga nakakilala sa amin ‘yun 'yung nakakatuwa na parang lalapit pa sila sa iyo makikita mo parang nanginginig pa sila para magpa-picture masaya 'yun, masaya sa feeling ‘yung ganun sobrang iba.”
Maraming mga Encantadiks ang nag-aabang sa susunod na project ni Klea na gumanap bilang Muyak sa high-rating telefantasya series na Encantadia.
Ayon sa Kapuso actress, pinag-uusapan pa nila ng kaniyang manager ang mga susunod niyang proyekto.
“Pinagmi-mitingan na po namin 'yan ng manager ko kaya hoping at praying na sana matuloy ‘yun.”
Panoorin ang guesting nina Klea Pineda, Martin del Rosario, Andre Paras at Kevin Santos sa weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night, July 2 after Hay, Bahay!.
Sikat Sa Barangay with Klea Pineda
Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Thursday, 29 June 2017
MORE ON BARANGAY LS:
WATCH: T.O.P. considers singing the 'Mulawin VS Ravena' theme song as a huge honor
EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'
Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus