Top One Project, paano naiiwasan ang pagsasapawan? | GMANetwork.com - Music - Articles

Nagmula sila sa isang reality talent competition, kaya naman hindi maiwasang tanungin kung may sapawan nga bang nangyayari sa grupo. 

Top One Project, paano naiiwasan ang pagsasapawan?

By CHERRY SUN

Nagmula sa isang reality talent competition ang all-male group na Top One Project (T.O.P.) Kaya naman, hindi maiiwasang usisain kung may sapawan nga ba o pag-angat lamang ng iisang miyembro na nagaganap sa kanilang grupo.

Sa panayam ng T.O.P. kasama ang mga bloggers noong nakaraang linggo, ibinahagi ng mga miyembro na sina Miko Manguba, Mico Cruz, Joshua Jacobe, Louie Pedroso at Adrian Pascual na maganda ang pundasyon ng kanilang samahan dahil sa kanilang naging training at pagkakaibigan.

IN PHOTOS: Bloggers’ affair with Top One Project 

Kuwento ni Mico na sa tuwing magkikita-kita sila kahit para sa trabaho ay hindi nila pinapalagpas ang araw na hindi makapag-bonding. Nagkakasama rin sila kahit bago ang kanilang mga mall shows at performances, at habang gumagawa ng musika.

Ipinaliwanag din nila na ang bawat isa sa kanila ay nabibigyan ng pagkakataon para maipakita ang kanya-kanya nilang talento. Desisyon daw ng grupo ang mga pinipili nilang kanta sa kanilang gigs habang sina Joshua at Adrian naman ang namumuno pagdating sa pagsayaw.

Ani Miko, “Ginagamit po namin ‘yung strengths ng each of us. Dapat lahat may moment din. Binibigyan namin ng parts ‘yung iba din so equal pa rin siya.”

“Meron talagang babad, tapos sa next song iba naman ‘yung babad. [It] depends on the song,” dagdag ni Louie.

Nang tanungin naman ang T.O.P. kung gaano magtatagal ang kanilang grupo ay puno ng kompiyansa naman nila itong sinagot.

Hirit ni Adrian, “Naniniwala po ba kayo sa forever? Kaharap niyo na ho ‘yung magpapatunay ng forever.”

“As long as ano po, may effort from each and everyone of us, hindi po matitibag,” pahayag din ni Louie.

MORE ON TOP ONE PROJECT:

READ: Top One Project takes pride in their self-titled debut album 

MUST SEE: Top One Project spills their funiest secrets 

WATCH: Who among the T.O.P. boys will win the Cotton  Ball Challenge?