Betong Sumaya, kinilig nang mapakinggan sa radyo ang novelty song niya with GMA Music | GMANetwork.com - Music - Articles

Mapapakinggan ang single ni Betong Sumaya na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" exclusively sa Barangay LS Forever mga Kapuso. 

Betong Sumaya, kinilig nang mapakinggan sa radyo ang novelty song niya with GMA Music

By AEDRIANNE ACAR

Matapos ang sold out concert niya last November 2019, full-force naman ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya sa kanyang singing career this year.

Mapapakinggan ngayon exclusively sa number one FM station sa Metro Manila ang kanyang novelty single "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" under GMA Music

Betong Sumaya on signing with GMA Music: "Isang pangarap na natupad"


Sa Instagram post ni Betong, tuwang-tuwa ito nang marinig sa Barangay LS ang kanta niya na punong-puno ng hugot. 

Aniya, "Wow ty LORD Narinig ko na rin sa Barangay LS97.1 ang aking 1st ever single entitled "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" under GMA Music 

"Guys eto yung sample ng Novelty song na punung-puno ng Hugot hehehe, alam ko maraming makarerelate sa kanta  Guys abangan nyo ang Grand Launch ng song na ito sa April 28, amazing "


Pumirma si Betong Sumaya ng kontrata under GMA Music noong July 2019.