WATCH: Betong Sumaya, todo perform nang kantahin niya ang 'Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko' sa 'Unang Hirit' | GMANetwork.com - Music - Articles

Amazing ang performance ni Betong Sumaya nang kantahin ang single na  "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko."

WATCH: Betong Sumaya, todo perform nang kantahin niya ang "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" sa 'Unang Hirit'

By AEDRIANNE ACAR

Patuloy na umaarangkada ang singing career ni Betong Sumaya matapos ang sold-out concert niya noong November 2019. 

This time, busy naman ang multi-talented Kapuso sa pag-promote ng first ever single niya under GMA Music na  "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko." 

Kinanta pa ng comedian ang kanyang single nang live sa Unang Hirit noong April 24. 

Ani Betong, puno ng hugot ang kanyang kanta na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko." 

"Grabe! Thank you Lord! Siyempre thank you sa GMA Music at GMA Artist Center, gusto ko po ipakilala 'yung aking first ever single ang title po niya "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" 

"It's a novelty song na punong-puno po talaga ng hugot at habang naka-quarantine tayo siyempre may mga puso na naka-quarantine din dahil sa bigong pag-ibig." 

Betong Sumaya on signing with GMA Music: "Isang pangarap na natupad"

Catch Betong Sumaya's full performance in the video below.