EXCLUSIVES

Jessica Villarubin and Yasser Marta

EXCLUSIVE: Jessica Villarubin, aminadong kinikilig kay Yasser Marta

By Cherry Sun
Published On: May 20, 2021, 5:44 PM

Nakaparehas ni Power Diva Jessica Villarubin si Yasser Marta para sa music video ng kanyang kantang “Beautiful.”

Kahit mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang sila ay magsama sa set, hindi pa rin maitago ang kilig na naramdaman ni Jessica Villarubin kay Yasser Marta. Ang Kapuso actor kasi ang naging leading man ng Power Diva para sa music video ng kanyang latest single na “Beautiful.”

 

Jessica Villarubin and Yasser Marta

 

Nag-taping na si Jessica para sa kanyang kauna-unahang music video noong unang linggo ng Mayo. Maliban sa bagong experience ito para sa Power Diva, nagulat din daw siya nang malaman niyang meron siyang makakapareha.

 

Makikita sa behind-the-scenes photos ng “Beatiful” music video na naka-partner ni Jessica si Yasser. Isa raw siyang modelo rito habang nagsilbi naman bilang kanyang photographer ang aktor.

Nakakuwentuhan ng GMANetwork.com si Jessica kasama ang mga miyembro ng Kapuso Brigade at dito nahalatang kinikilig pa rin ang Kapuso singer sa kanyang leading man.

Nangingiting pag-amin ni Jessica, “Na-shock din ako na may kasama ako, kasi sinurprise [rin] nila ako na ‘yun nga, may makakasama ako. Noong time na ‘yun, ‘Ah meron pala.’ So parang na-shock ako. So ‘yun nga, nag-acting-acting din. Hindi naman po ako sa acting talaga pero ‘yun nga, nagpapasalamat din ako kay Yasser na parang tinuruan niya [rin] ako. So ‘yun po, kikiligin sila.”

Mapapanood na ang music video ng “Beautiful” sa Facebook at YouTube channel ng GMA Music simula Lunes, May 24.

 

Ibinahagi rin ni Jessica ang kanyang paboritong linya mula sa kanyang kantang “Beautiful.” Ito ang “Let your heart light up the spark, Show the world who you truly are.”

Paliwanag niya, “This is my favorite line kasi parang nag-e-explain siya na parang super brave siya. Alam mo ‘yun, ‘yung parang [dine-declare] niya sa audience na brave siya, to show kung sino siya, proud siya at confident siya.

"So ‘yung line na ‘yun, parang gusto ko na maka-inspire ng tao to be brave enough, to be confident with themselves, and also po to love themselves.”

Diin din in Jessica, ito ang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mga taga-suporta at sa mga makakarinig ng “Beautiful.”  

Ini-release ng Power Diva ang naturang kanta bilang bahagi ng kanyang 25th birthday celebration noong May 14. Ito ang kanyang ikalawang single mula sa GMA Music.

Nauna na niyang inilabas ang kanyang victory song mula sa The Clash, ang “Ako Naman” bilang kanyang debut single.

Watch the interview below:

 

Silipin ang beautiful transformation ni Jessica sa gallery sa ibaba:

 

Samantala, sa mga nais maging bahagi ng Kapuso Brigade para maka-bonding din ang inyong paboritong Kapuso stars, i-message lang ang grupo sa kanilang FacebookTwitter, o Instagram account.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->