Garrett Bolden, ibinahagi ang mga 'Pwede Pa Ba' sa kanyang buhay | GMANetwork.com - Music - Articles

"'Pwede Pa Ba' kayang humabol sa lovelife?" - Garrett Bolden

Garrett Bolden, ibinahagi ang mga 'Pwede Pa Ba' sa kanyang buhay

By AIMEE ANOC

Sa darating na January 28, muli tayong paiibigin ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa bagong niyang awitin, ang "Pwede Pa Ba."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Music (@gmamusic)

 

Sa press interview noong Lunes (January 24), ibinahagi ni Garrett ang mga "Pwede Pa Ba" sa kanyang buhay. 

Para sa pamilya, hinihiling ni Garrett na magkaroon siya ng mas mahabang panahon na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

"Sa family, to regain the time na nag-past. Aminado ako na when it comes to spending time with my family, kasi nagtatrabaho ako, mas kaunti 'yung time na nakakasama ko sila at nakikita. 'Pwede Pa Bang' maging regular 'yung aming pagsasama-sama?" aniya.

Para naman sa kanyang buhay pag-ibig, biro ni Garrett, "'Pwede Pa Ba' kayang humabol?"

"Ngayon wala pa naman tayong lovelife. It's not too late I guessed. Who knows this year I might find the one," pagbabahagi niya.

Inilalaan naman ni Garrett ang kanyang huling "Pwede Pa Ba" para sa kanyang music career. Aniya, "'Pwede Pa Ba' akong makagawa ng maraming awitin na sobrang makaka-relate ang mga tao?"

Mapapakinggan ang 4th single ni Garrett, ang "Pwede Pa Ba," simula January 28 sa Spotify, YouTube music, Apple music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa gallery na ito: