Isang bangkay ang nakitang nakasilid sa sako na inakalang basura lang pero umaalingasaw ang amoy sa Payatas, Quezon City.

Sa ulat ni Chino Gaston sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing 3:00 am nang mapansin ang sako sa isang eskinita dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa loob nito.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil walang nakitang ID o anumang bagay na kasama sa bangkay.

Tumanggi na munang magbigay ng pahayag ang Quezon City police tungkol sa  insidente habang hindi pa kompleto ang imbestigasyon.--FRJ, GMA Integrated News