Kinagiliwan ng netizens ang isang biik na relax na nagbabad sa isang palanggana para maibsan ang nararamdaman nitong init sa Tabogon, Cebu.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapapanood ang video ng “beat the heat” entry ng cute na piglet na si Junior.

Sa bakuran lamang nag-DIY swimming pool ang kaniyang mga may-ari para makapagbabad si Junior.

Si Junior ang pinakamaliit noon sa magkakapatid. Ngunit ngayon, sumisiksik na ito sa batya na tila naging kaniyang maliit na swimming pool.

Nainggit ang maraming netizens sa “staycation” ng cute na piglet kaya trending ang video ni Junior, na mahigit 5.8 milyon na ang views sa TikTok. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News