Filtered By: Topstories
News

'Panata sa Pagbabago'


The video and text of the 'Panata sa Pagbabago' - as recited by 20 volunteer leaders who were vital to Pres. Benigno Noynoy Aquino III's campaign, during Wednesday's inauguration rites at the Luneta - may be found below. Panata sa Pagbabago Pilipino ako. Namamanata ako na tutulong ako sa aking pamunuan, Sa pagtataguyod ng marangal na pamamahala, Sa pagpapalakas ng isang lipunang makatarungan, At sa pagpapatingkad ng ating demokrasya, Upang guminhawa ang pinakamamahal nating bayang Pilipinas. Gagampanan ko ang lahat ng katungkulan ng isang mabuting mamamayan Na kasing-tindi ng paghamon ko sa aking mga pinuno Na sumunod sa landas na matuwid. Makikipagkapit-bisig ako sa aking kapwa Pilipino Sama-sama nating babaguhin ang takbo ng kasaysayan Upang umiral ang kagandahang loob. Ipinangangako ko ito, sa ngalan ng aking mga ninuno at mga apo. Patnubayan nawa ng Poong Maykapal ang sambayanan.

- MDM, GMANews.TV