Filtered By: Topstories
News
WATCH

Matandang lalaking natutulog sa daan, pinagsisipa ng mga kabataan sa Kidapawan


Walang awang pinagsisipa ng ilang kabataan ang isang matandang lalaki na natutulog sa tabi ng daan sa Kidapawan City.

Sa video na ipinakita sa ulat ni Ian Cruz sa "24 Oras" nitong Martes, makikitang nagising at bumangon ang matanda subalit tinadyakan ulit siya sa likod ng isa sa mga lalaki.

Matapos masubsob, gumanti ang matandang lalaki sa pamamagitan ng pambabato sa mga kabataan.

Umani ng pambabatikos sa social media ang naturang video.

Wala pang pahayag ang Social Welfare and Development office ng Kidapawan ukol sa insidente.

Samantala, isang lalaki naman ang nabundol ng isang pick-up truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa Calbayog, Samar.

Iniwan na lamang ng nakabanggang sasakyan ang biktima na nakaupo sa daan.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang drayber ng nasabing sasakyan.

Sa Tuguegarao City naman, isang estudyanteng babae ang nahulog sa tricycle matapos umiwas ang drayber nito sa kasalubong na sasakyan.

Napahiga ang bata sa daan at muntik pang mabundol ng kotse.

Agad namang rumesponde ang tricycle driver sa batang babae. —Anna Felicia Bajo/NB, GMA News