ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
ISANG ESPESYAL NA PAGTATANGHAL NG BRIGADA

Asukal: Ang Mapait na Katotohanan


 


May handaan man o maski sa ordinaryong hapag lang, hindi mawawala ang sangkap na nagbibigay tamis sa ating mga pagkain at inumin… ang asukal! Subalit ang matamis na pagkaing ito ay may mapait din palang kuwento at pinagdaraanan mula paghango nito sa mga taniman hanggang sa makarating ito sa ating mga tahanan.

Sa bayan ng Nasugbu, Batangas matatagpuan ang ilan sa mga pinakamalaking azucarera o tubuhan sa bansa. At tuwing Disyembre hanggang Mayo, abala ang lugar na ito dahil ito rin ang panahon ng anihan ng tubo – ang pangunahing sangkap sa paggawa ng asukal. Pero sa likod ng mayabong na industriya, makikita ang mukha ng pagsubok at pagtitiis ng mga nagsasakada – mga taong inuupahan ang serbisyo para mag-ani ng tubo. Nakilala ni Rida Reyes ang mga sakada rito na mula pa sa lalawigan ng Aklan para alamin ang tunay na dahilan ng kanilang hirap at sakripisyo.

Mapait din ang buhay ng sampung taong gulang na si Sugar. Sa mura kasi niyang edad na apat na taong gulang, na-diagnose na siya na mayroong Type 2 diabetes – kondisyong dadalhin na niya habambuhay. Kada dalawang oras kailangang mag-blood test ng bata at dalawang beses kada araw din niyang kinakailangang magturok ng insulin sa katawan. Nasaksihan ni Isay Reyes kung paanong si Sugar tila naagawan na ng kamusmusan dahil hindi niya nararanasan ngayon ang kaligayahang natatamasa ng ibang mga bata sa tuwing kumakain ng matatamis na pagkain gaya ng mga ice cream, cake, kendi at tsokolate

Tags: pr