ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang bagong hairdo at musika ni Gloc-9, inusisa ni Igan
“ANG BAGONG HAIRDO AT MUSIKA NI GLOC-9”
December 3, 2013
Tuesday, 10:30pm


Sa kanyang bilis mag-rap at husay sa paggawa ng makapukaw-isipang awitin tungkol sa mga isyu ng lipunan, henyo nang matuturing ang rapper na si Gloc-9!
Ngayong Martes, malalaman na ang inspirasyon sa likod ng kanyang pinakabagong “akda”: ang album na “Liham at Lihim ni Gloc-9.”




Magkakabukuhan na rin kung paano nga ba bilang ama at padre de pamilya si Gloc-9, bagay na hindi gaanong nalalaman ng marami sa kanya. Istrikto ba siya sa kanyang kambal? Anong edad naman niya paliligawan ang kanyang unica hija?
Eksklusibo ring maririnig ng live ang chart-topping hit single ni Gloc-9 na “Magda”, kung saan kasama niya sa music video sina Rico Blanco at ang ating Kapusong si Jennylyn Mercado.
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
More Videos
Most Popular