Filtered By: Newstv
NewsTV

Doc Beki Belo, Osang at Ate Gay, magpapatawa sa 'Tonight with Arnold Clavio'


 


Mapupuno na naman ng good vibes ang inyong Miyerkules ng gabi dahil hindi lang isa kundi tatlong magagaling na stand-up comedian ang ating makakakwentuhan --- sina Doc Beki Belo, Osang at Ate Gay!

Si Doc Beki Belo, arteng fresh na fresh pa mula sa kanyang mala-fairytale wedding sa Paris. Kwelang-kwela siyang magbabahagi ng mga joke tungkol sa tinaguriang “Wedding of the Decade.” Si Osang naman, magpapakitang-gilas sa rakrakan samantalang si Ate Gay, may bago na namang bersyon ng mga nakakatawang “mash-up” ng mga kanta!

At para mas makilala pa ang tatlo, sasalang sila sa trivia game! Alamin kung sino sa kanila ang pangarap maging reporter, ang mahilig sumali sa mga beauty contest at nangungolekta ng mga libreng kumot mula eroplano!

Sa tatak-TWAC game na “Nasubukan n'yo na ba?”, mga karanasan naman sa pagiging commuter ang pag-uusapan! Naranasan na ba nilang hindi masuklian? Pababain ng driver o may makaaway na pasahero?

Meron ding kakaibang challenge na susubok sa tatag ng kanilang sikmura! Abangan kung ano ito!

Masayang kwentuhan na naman ito mga igan! Ngayong Miyerkules na sa Tonight with Arnold Clavio!

I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWACkanTawanan. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio

Tags: arnoldclavio