Filtered By: Showbiz
Showbiz

The Expendables 2 stars gustong makasama si Manny Pacquiao sa pelikula


Masayang pinahiwatig ng mga international stars na sina Jean-Claude Van Damme at Terry Crews ang kanilang paghanga sa Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao dahil sa kanyang galing sa larangan ng pag-boxing. "I want to say a big hi to Pacquiao because..he's one of the best fighters in the world. Yeah," wika nina Crews at Van Damme sa kanilang panayam kay Ricky Lo sa StarTalk nitong Sabado. Kabilang ang dalawa sa star-studded Hollywood action film na The Expendables 2. Gayundin, masaya rin nilang pinag-usapan ang kanilang kagusuthang makatrabaho at makasama sa pelikula ang pambansang kamao. Giit pa ni Crews, "Expendables 3, [with] Manny Pacquiao, you said it right now!" "That would be wonderful," masaya naman itong sinang-ayunan ni Van Damme. Samantala, nagpasalamat din silang dalawa sa mga Pinoy na sumusuporta sa kanilang pelikula. Wika pa ni Van Damme, "Well, I wanna say thank you to all our Filipino friends and with that, we wouldn't be what we are today. They're the ones who put us on the map." Sa parehong balita, ito ang pagbabalik ni Van Damme sa action films. Sa pelikula, gaganap siya bilang isang kontrabida. Maliban dito, ang actor na si Sylvester Stallone ang isa sa mga co-writers at direktor sa naturang star-studded na pelikula. Kabilang din sa The Expendables 2 sina Jet Li, Liam Hemsworth, Jason Statham at Randy Couture. Wika pa ni Statham, "Yeah. I think people like a show of action heroes, and there's no better line-up." "It's amazing. Because we all have historical tales, the past, the movies they made [are] great movies," saad ni Damme. Mapapanood ang naturang pelikula sa mga sinehan ngayong Agosto 17. — Mac Macapendeg/BM, GMA News