Filtered By: Topstories
News

Ang mga paraan upang makilala ang mga nasawi sa bagyong 'Sendong'


Hindi na bago sa Pilipinas ang pagtama ng matitinding kalamidad na kumikitil ng maraming buhay gaya ng pinsalang idinulot ng bagyong "Sendong." Ang tanong, may natutunan naman kaya ang ating pamahalaan sa mga karanasang ito gaya ng pagpreserba at pagkilala ng mga bangkay? Sa panayam ni Howie Severino sa GMA News TV 11 News To Go nitong Disyembre 22, inilahad ng Forensic Pathologist na si Dra. Raquel Fortun ang mga bagay na dapat gawin ng pamahalaan sa sandaling magkaroon na naman ng isang matinding kalamidad. Howie: Nailibing na ang ilan sa mga bangkay na naging biktima ng pagbaha dulot ng bagyong "Sendong." Ito ay matapos makunan ng DNA samples ng NBI at ibang medico legal expert. Pero marami pa rin ang kailangang kilanin, kaugnay niyan ay makakapanayam natin si Dra. Raquel Fortun, isang Forensic Pathologist. Magandang umaga po Dra. Fortun. Fortun: Good morning. Howie: Unang-una ano po ba ang isang Forensic Pathologist? Fortun: Duktor ako tapos ang espesyalidad ko 'yung pag-eksamin ng tao at 'yung epekto ng sakit ng mga sugat at para malaman mo kung ano ang nangyari? paano namatay? Ngayon applied ito sa legal issues. Howie: Espesyalista kayo sa mga patay? Fortun: Yes. Pero hindi lang naman patay ang tinitingnan namin puwede rin namang buhay. Pero ang bulk ng work is really dead people kasi ginagawa namin itong procedure na tinatawag natin na autopsy. Howie: Dito sa Mindanao lalo na, naobserbahan natin na napakaraming patay at ito'y hina-handle ng emergency workers, rescue workers, local officials at nakita natin na tambak-tambak na sila sa funeral parlor. At ngayon nakita natin na mayroon din na nilagay na sa dumpsite. Anong mga naoobserbahan ninyo dito sa handling, from the point of view of an expert like yourself. Fortun: Ang papel ng isang Forensic Pathologist sa isang mass disaster na katulad nito ay usually nga kami ang namumuno sa isang procedure ng pang-handle nitong mga patay. Howie: Kayo ang nagde-decide kung anong gagawin diyan sa napakaraming patay? Fortun: Doon sa mga bansa na mayroon kang tinatawag na medical examiner, ang head nito ay isang Forensic Pathologist. Ang problema kasi mass disaster ang dami-dami mong patay talagang mao-overwhelmed kung ano man ang sistema mo. And ang problema sa Pilipinas in the first place ay wala tayong tinatawag na death investigation system. Howie: Death investigation system? Fortun: Ito yung mga para doon sa mga araw-araw na namamatay na kailangang imbestigahan, hindi nga klaro sa atin ano ang mga kaso... Howie: Ito yung mga pang-araw-araw? Hindi pa ito 'yung mga kalamidad? Fortun: Oo, pangaraw-araw. Hindi pa itong mass disaster and that is why papaano kung mayroon kang mass disaster, na multiple ang fatalities lalo nang mao-overwhelmed ang sistema mo. Pero sa ibang bansa preparado sila. Howie: Halimbawa lang, just briefly sa mga mas mauunlad na lipunan, ano na ngayon ang ginagawa ng mga katulad ninyong mga Forensic Pathologist? O 'yung mga lokal na pamahalaan? Fortun: Talagang mayroon iyang system in place, yung tipong kapag may nangyaring ganito at iba-ibang scenario ina-anticipate nila 'yan -- terrorist attack, sunog, earthquake, praktisado, preparado, nakatoka kung sino-sino 'yung mga tao na involve. Paano sila mako-contact ng mabilisan, saan dadalhin ang mga bangkay kung marecover na, sino ang mag-eexamine, nasaan ang equipment. Naka-stock pile na 'yan, hindi bigla kang mag-iisip saan ako bibili ng isang libong body bags? Hindi ganoon iyon. Howie: Nakahanda na iyan sa isang warehouse na hindi malayo doon sa lugar? Fortun: Yes, handa na 'yon. Tapos mayroon na silang kontrata, mayroon na silang mga container vans na tinatawag nating refrigerated trucks. Howie: May nakareserba lang para diyan, parang contingency…? Fortun: Hindi naman sa nakareserba pero mayroon na silang napipin-point na mga kompanya kung saan sila kukuha. Lahat ito preparado and nagpa-practice. Nakapag-experience ako halimbawa nung nagta-train ako sa Washington State sa Seattle, isang araw itinalaga nila na, okay ganito ang scenario natin and nagpractice, may drills, in other words hindi iyong major response ka na ito na nangyari na tapos maghahanap ka sinong gagawa at saan natin dadalin. Howie: Nabanggit niyo 'yung refrigerated trucks kasi isa sa malaking problema ngayon 'yung decomposing bodies, alam naman na rin ang amoy niyan overpowering yung stench kaya siguro napipilitan ang local officials na ilagay na lang sa mga mass graves. Ano bang handling ang dapat sa mga decomposing bodies na hindi pa kini-claim at hindi pa ina-identify? Fortun: The best way to… at least temporarily stay or prevent or stole the decomposition is refrigeration four degree centigrade. Parang pagkain, refrigerator and yun na nga ang kailangan mo diyan. Malakihan na container para maka-accommodate ng maraming katawan na inilagay mo sa mga body bags. Sarado, kompleto, hindi mawawala ang mga parts, mga objects, jewelry etc. May label ka sa loob at labas, puwede mo siyang itago doon. Howie: Pero mahirap na bansa tayo, realistic ba na may expectation tayo na mayroon tayong ganyang klaseng refrigeration para sa mga napakaraming patay, in the event na magkaroon nga ng mass disaster. Wala bang plan B? Fortun: Hindi naman kasi maganda yung parati na lang nating excuse ay mahirap tayo, hindi naman tayo ganoon kahirap... Howie: So kaya natin 'yun ang magreserba ng refrigeration on the event of mass disaster? Fortun: Ano ba naman itong container vans na may refrigeration. Howie: Mayroon talagang ganyan? Fortun: Yes. Howie: But usually for food. Fortun: Oo. Howie: Do food companies allow their container vans to be used for this? Fortun: In other countries, yes. Tinatakpan nila 'yung cover (brand ) sa labas para hindi ma-identify na sa kanila and then afterwards nadidisinfect mo 'yan. Granting na talagang alien sa ating idea 'yung kultura na truck 'yan ng pagkain pagkatapos lalagyan mo ng patay, very sensitive tayo sa ganyan. Marami tayong mga luma na ganyan na puwede mong paandarin and in fact I'm basing this on my experience. Noong ako'y nagtrabaho para sa Quezon City noong Payatas dump slide o trash slide, 'yan ang hiningi ko kay Mayor Mathay noon. Howie: At anong response? Dr. Fortun: Bumili siya dito sa... natatandaan ko si Mayor Bayani Fernando ang tumulong sa kanya na kumuha sa Marikina. Howie: Nagkaroon? Fortun: Yes. Howie: It's possible to respond in a... Fortun: Yes, puwedeng-puwede. If I remember correctly it is a P150,000 that time. Howie: Itong nakikikita niyo sa Cagayan de Oro na may pinakamaraming casualties, anong naobserbahan mo sa kanilang approach dito sa mga bangkay? Fortun: Apparently may mga nagpunta na team... Howie: ...na galing NBI? mga Forensic Pathologist din ba 'yung mga 'yun? mga medico legal experts? Fortun: Sa aking pagkakaalam, mga doctor ng NBI... Howie: Fifteen persons. Fortun: Yes. Pero baka halo-halo 'yan, mayroong kumukuha ng fingerprints, photographer siguro, may dentist. But the thing is anong magagawa ng fifteen man team? Tapos by admission sinasabi nila metikuloso 'yung proseso, one to one-half hours per body, you're looking at now thousand bodies. Noong nagpunta ba kayo sa lugar inayos niyo? Saan niyo ilalagay muna ang mga patay? Iyon na nga, diyan papasok ang refrigeration kasi it buys you time. Yung bodies ilagay mo sa isang lugar na kahit paano yung decomposition ay hindi ma-accelerate, hindi tuloy-tuloy. Iwanan mo 'yang nakabilad mas lalong mabubulok 'yan lalo pa we're dealing with bodies na nabababad sa tubig. Mas mabilis yun na ma-decompose. Ang laban mo dito decomposition, nawawala ang features. Howie: Mas mahirap nang makilala? Fortun: Mas mahirap. And may I add please, yung mga naglalagay ng apog o lime, you are not helping, nakakasira. Nakita ko may katawan hindi nila makuha at the site da-dump po ng apog... Howie: Saan naman nanggaling ang practice na 'yun? Bakit nilalagyan ng ganoon? Fortun: Ito ang common sa Pilipinas. Like ang belief ay mawawala raw ang amoy, but wala kang magagawa talagang nabubulok iyan at mangangamoy. And that is why kung ilalagay mo sa body bag, nakatakip, hindi nakikita. Kasi ang habol mo rin dito ang mga buhay as much as possible, sensitive ito... tao so hindi mo 'yan dinidisplay sa media din bawas-bawasan din ang pag-show ng mga patay. Kung tingnan mo 'yung sa tsunami ng Japan, anong coverage, halos wala kang makita na patay na ipinakita. Tapos very systematic ang search, mga naka-uniporme, mga nakaayos. Maganda may nakita ako,  at least naman pala yung mga nagrerecover (ng bangkay sa Mindanao) may sarili silang body bags and tanong ko lang ay enough ba ang body bags niyo? Howie: May banta ba ng epidemya o sakit itong napakaraming bangkay kaya nagdedesisyon ang local officials baka magkaroon daw ng sakit sa lokal communities kung hindi ililibing kaagad kahit unidentified at unclaimed pa itong mga bangkay na ito. Fortun: Realistically it is more psychological na distressful 'yung... Howie: Wala masyadong health risk? Fortun: Walang health risk. It's just that maamoy at hindi maganda 'yung nakakakita ka ng patay na naka-expose ng ganyan and ang mas concern pa ang buhay 'yung survivors na kailangan ng usual banyo, malinis na tubig, tirahan, tulugan, maayos na pagkain. Howie: Ngayon may fifteen person team ang NBI na nandoon, I assume may mga ibang tumutulong. Ano ba ang pinakamabisang paraan para ma-identify bago ilibing nga kung gagawin ang mass burials na 'yan. Ano ba ang pinaka-priority dapat para later on ma-claim naman ng pamilya ang loved ones nila. Fortun: Unang-una sa akin please don't make it worst, 'wag niyong tambakan ng apog kasi nakakasira ng balat. Ang habol kasi natin ay what can you do right now. Ang suggestion ko please ilagay niyo sa individual body bags, huwag na kayong mag-isip ng kanya-kanyang coffin dito sa mga unidentified, that's waste of resources, sayang. Howie: Ang dami ngang nagdadatingan na mga kabaong. Fortun: Siguro para doon sa mga identified and claimed pero dito sa mga unidentified, body bags muna... Howie: At para hindi din makita ng ibang tao. Fortun: Oo, tapos ilabel natin saan nakuha ito, 'yung documentation. Howie: Dapat bang kinukunan ng litrato ang mga dead bodies? Fortun: Hindi na 'yung kung saan nakita, pero maganda rin sana... Howie: Pero 'yung identifying kunwari 'yung mga tatoo. Fortun: Ang routine documentation number one operative word here is documentation. As much as possible examine ang katawan, something as basic; ito ba ay lalaki o babae? Bigyan mo ng estimate, ito ba ay sanggol?, ito ba ay bata? Kahit hindi na 'yung precise. I-grupo mo lang teenager, young adult, old adult etc. nakakatulong 'yan. Howie: Bakit importante ang ngipin? Fortun: Ngipin, DNA, fingerprints. Ito ang tinatawag nating definitive, individualizing 'yan. Yung tipong mazo-zoom in mo na ito ang tao. Kasi kapag sinabi mo na ito ang kanyang body length, ang sex niya ay lalaki, kulot-kulot ang buhok niya... Howie: Kunwari ma-document niyo 'yung ngipin ng isang bangkay that assumes na may dental records yung tao na 'yon? Fortun: Sa lahat ng procedures na ito useless kung mayroon ka lang post-mortem, yung impormasyon doon sa katawan kung wala kang mako-compare na ante-mortem information. Howie: Records noong buhay pa siya? Fortun: Records in a very general sense this could be people's recollection na mayroon siyang nunal sa ganyan, dental records. Alam niyo nakakatulong din yung mga pictures na nakabungisngis in lieu of dental records kapag mayroon unique, may mga puwang ka diyan, tabingi ang ngipin mo. Howie: Kailangan sinusulat lahat 'yan ng mga nag-e-examine, naka-document bago ilagay sa mass grave? Fortun: Yes, on one hand dapat get as much information as you can from the bodies including sampling fingerprint, DNA, dental records plus. Yung mga peklat sa labas, mga nunal, kung puwede pa 'yan ang problema kapag nabulok. But on the other hand, ito wala pa akong naririnig na balita, mayroon na bang nakatutok doon sa ante-mortem records? Dapat itong mga relatives, yung mga nagpapakita ng mga picture-picture. Howie: Ano po ang ante-mortem? Fortun: Before death. Ito yung description nung mga nawawala, itong mga nagpapakita na mga relatives na may mga picture ang gamit niyan. Dapat pupunta sila sa isang lugar pagkatapos mayroong doon mga kumukuha ng information sa bawat taong missing, may mga forms na 'yan, idedescribe ano ang kanyang tangkad, siya ba’y lalaki, anong edad, kailan siya ipinanganak. Howie: Ang Red Cross may sistemang ganyan hindi ba? Fortun: Hindi ko alam kung umaandar na para dito. Pero in previous disaster sinubukan na namin 'yan. Kasi maganda ang sa Red Cross kasi mayroon silang people on the ground. Actually parang nauna kong narinig ang Red Cross na on top of situation na at least nandoon na right from the beginning. Malaking bagay sana na ang energy nitong frustrated, worried na kaanak na nawawalan ay mai-channel sa something productive which is upuan mo sila tapos idescribe nila kung sino 'yung mga nawawala. Howie: Pero kailangan din ng parang mga workers o counselors na hihingi sa kanila ng information na 'yan at marunong din magtanong. Fortun: Yes definitely. Howie: Good advice Dra. Raquel Fortun. Maraming salamat po. Fortun: Thank you rin. -- FRJ, GMA News