Filtered By: Topstories
News

296 Pinoy nailigtas mula sa lumubog na barko sa Italy


Ligtas ang 296 Pilipinong lulan ng lumubog na cruise ship sa baybayin ng Giglio Island sa may Tuscany, Italy nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, kasalakuyang pinaghahanap sa iba’t-ibang parte ng Giglio Island ang iba pang Pilipinong sakay sa 114,500-toneladang barko. "They are still accounting for the Filipino crew members on board the crew ship. So far, they have accounted for 296 Filipino seafarers. They are still checking in other areas like churches, hotels and schools where passengers and crew members were transferred," ani  Hernandez sa "News TV Live" ng GMA News nitong Linggo ng umaga. "Generally, ang sabi po nila, the Filipinos are safe. But may reports na mayroong dalawang Filipino crew members who were injured - one with a broken arm and one with hypothermia," dagdag pa niya.   Itinanggi ni Hernandez ang ulat na may mahigit 29 na Pilipinong kitchen crew ang nasa loob pa ng barko. Aniya,  wala pang balitang natatanggap ang DFA tungkol dito. Nagpadala na ng emergency response team ang Philippine Embassy sa Rome upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong apektado sa insidente. Ayon sa ulat ng Reuters, lumubog ang Costa Concordia matapos tumama sa isang sandbar malapit sa Giglio Island. Tatlo ang naiulat na namatay habang may ilang sugatan at nawawala pa. "It's a very complex operation because some of the passengers may have jumped into the sea and not been picked up by rescuers, while others may have been sheltered in private houses and therefore not been identified yet," ani Giuseppe Linardi, chief of police sa bayan ng Grosseto. Agad na dinala ng Italian coast guard ang mga nailigtas na pasahero at crew members sa kalapit na isla sakay ng emergency lifeboats, anang ulat ng Reuters. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News